Pregnant! Jennylyn Mercado and Dennis Trillo Are Expecting Their 1st Child
Pregnant! Jennylyn Mercado and Dennis Trillo Are Expecting Their 1st Child Together
ADVERTISEMENT

Pregnant! Jennylyn Mercado and Dennis Trillo Are Expecting Their 1st Child Together

By
Facebook
Twitter
SOCIALICON
SOCIALICON
Follow by Email

Superstar couple Jennylyn Mercado and Dennis Trillo share how the journey to surrogacy led to a natural pregnancy and a much-awaited engagement in this month’s MEGA Entertainment cover story. Read an excerpt below.

Related: Discover How Dennis Trillo Proposed To Jennylyn Mercado

The couple planned a trip to the US alone together at the height of the pandemic, for two reasons—first, to get vaccinated and second, to work on being able to harvest an embryo and find a surrogate. With the help of their fertility specialist, Dr. Kaufmann, Jen successfully produced eggs, and because she was vaccinated, the protection would carry over until her eggs were harvested.

It was through this whole process and this entire time that brought them even closer together. Just the two of them.

Kaming dalawa. During the pandemic na kasi ‘yun, eh. Um, ano pa’ng nangyari? So, naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat—isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” Jen shares.

Pero embryo na ‘yun. Embryo na siya kasi nag-ano,” Dennis adds.

So, meron na kaming isang perfect na embryo ta’s kailangan na lang namin maghanap ng perfect din na surrogate na magca-carry nu’n. So, during the pandemic, meron sana kaming nahanap na isang surrogate kaso hindi kami nagkasundo du’n. Du’n sa pangalawang surrogate, ‘yun na ‘yung…” he is interrupted.

Siya na ‘yung perfect.” This time, it was Jen’s turn to finish his sentence.

Napili namin na perfect para du’n sa embryo na ‘yun. Pagkatapos naman, okay na lahat, Okay na. May schedule na ng implant. Nakilala na namin ‘yung surrogate, mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and iiinject na lang ‘yung embryo sa kanya ngayong October dapat. So, nu’ng time na ‘yun, si Jen, nasa lock-in taping na siya nu’n. Tapos…” Dennis is interrupted again by an excited Jen.

On Jennylyn, Sequin gown by AJ ALBERTO, Jewelry by LOVEROCKS; On Dennis, Navy blue suit set by RYAN CHRIS

Ikukuwento ko na. Kuwento ko na, Gitri, ah!” Jen chuckles as she shares EXCLUSIVELY the couple’s good news.

Nasa lock-in taping ako nu’n so meron kaming 10-day quarantine sa hotel dito lang sa Manila. Tapos ‘yung feeling ko ‘yung parang lahat ang panget. Nu’ng pagpasok ko sa hotel, ayoko ‘yung hotel, nagdala ako ng vacuum, naglinis ako nang buo, ta’s umiiyak ako kasi, ‘Bakit ang dumi’” ‘yung gan’on—’yung grabe ‘yung emotions ko! Hindi ko alam kung bakit—yung inaaway ko siya, sinasabi ko sa kanya, ‘Wala ka kasi dito kaya hindi mo alam ‘yung feeling na…’ Parang kawawang-kawawa ‘yung feeling ko, ang lungkot-lungkot ko, napaka-emosyonal ko. Tapos after nu’ng 10-day quarantine na ‘yun, na-survive ko naman siya nang malungkot buong quarantine,” Jen shares.

Nag-away pa kasi kami nu’n bago siya mag-quarantine kasi ‘di ko na rin siya maintindihan. [chuckles] Sabi ko, ‘Ano’ng nangyayari sa ‘yo?’” Dennis asks, confused.

On Jennylyn, Mini dress by STEPH TAN, Jewelry by LOVEROCKS; On Dennis, Pin stripe suit set by JOSE KARGANILLA

Sobrang weird na weird daw siya sa ‘kin kasi, ‘’Di ka naman ganyan? Ano’ng nangyayari sa ‘yo?’” Jen laughs. 

Tapos dumating ako sa taping. Pagdating ko sa taping, sa set—kasi may kanya-kanyang villa naiyak na naman ako; ‘yung parang naiyak ako sa sobrang ganda. ‘Di ko maintindihan! Sabi ko, “Ano’ng nangyayari sa ‘kin?” Ta’s iyak lang ako nang iyak. ‘Ang ganda dito!’ ‘yung nagpapasalamat ako sa executive producer, pinagte-text ko ‘yung director ng, ‘Thank you! Ang ganda dito!’ ‘Yung sobrang happy ako, gan’on, sobrang emotional ko! [laughs] Tapos after mga ilang weeks na nagte-taping ako, du’n ko naramdaman na lagi akong nag-a-acid reflux, tapos ang headache ko grabe, ta’s nagsusuka ako. Du’n ako medyo kinabahan. Sabi ko, ‘Hala.’ ‘Tsaka tiningnan ko ‘yung cycle chart ko, parang late ako ng one week!” Jen was happily surprised.

Kasi usually nale-late ako three days to four days pero never akong na-late ng isang linggo. Tapos ikaw naman magkuwento,” she laughs as she turns over to Dennis.

On Jennylyn, Sequin gown by AJ ALBERTO, Jewelry by LOVEROCKS; On Dennis, Navy blue suit set by RYAN CHRIS

So, ‘yun. Kasi nandu’n sila sa lock-in taping sa may bandang Rizal area, nagpapadala kami ng mga pagkain kasi minsan hindi okay ‘yung food, minsan may cine-crave siya na ganito. So, nu’ng isang araw na nagpadala ako ng mga—’Di ko alam kung ano ‘yung pinadala ko sa driver ko. So, nadala na sa kanya tapos nakaalis na ‘yung driver ko, sabi niya, ‘Love, pabalikin mo si Kuya Jun. Pabilhin mo siya ng PT or pregnancy test kit.’ ‘Um, nakaalis na, eh. Pero sige, pabalikin ko na lang. Bibili siya sa may botika.’ So, nakabili siya, isa lang ‘yung binili niya, tapos ayun, dinala na sa kanya. Tapos nu’n, the night before din kasi, marunong kasi siyang magbasa ng tarot cards, eh,” Dennis shares.

Pero ‘yung tarot card ko, parang ‘yung ano lang, ‘pag may mga gusto lang akong malaman sa sarili ko lang; ‘yung, ‘Ano kaya’ng mangyayari?’ Nu’ng night pala na ‘yun before ko malaman, sa sobrang kaba ko, ‘yung,


Please, please! Tell me. Ano ba—buntis ba ako?’ Tapos triple yes!


Yung parang, ‘O, ayan—yes, yes, yes!’ Tapos ‘yun na, tinawagan ko siya ng, ‘Triple yes! Kailangan mo akong ibili ng PT kasi buntis daw ako sabi nu’ng card ko!” Jen laughs as she reads her own good fortune.


Read the whole story on Jennylyn Mercado and Dennis Trillo’s road to pregnancy in MEGA Entertainment’s November 2021 issue now available available on ReadlyMagzterPress Reader and Zinio.

Photography SEVEN BARRETTO of STUDIO 7 MNL
Creative direction NICOLE ALMERO
Beauty direction MIA CASTRO
Makeup ANTHEA BUENO
Hair BIANCA VERGARA
Styling IAN CHRISTOPHER VINARAO
Photography Assistants ERWIN BOTIN and DARIEL MIRAFLOR
Shoot coordination MAE TALAID and MJ ALMERO
Shot location SHUTTERSPACE STUDIO
Special thanks to DR SWAB MANILA

ADVERTISEMENT